SIDE STORY: 16TH EGO
.
CHIHIRO
NAKAYA kong mapalayo kay Aki-san at nakahanap ng disenteng trabaho at sa hindi pagmamayabang pero may konti na akong naipon para sa magiging anak namin.
Excited na ako sa ideya na magkakaroon na kami ng anak pero may parte pa rin ng kalooban ko ang natatakot. Bukod sa hindi pa kami mates, hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na sigurado si Aki-san sa nararamdaman niya para sa 'kin. Naiintindihan ko na baka natatakot lang siya na hindi magiging maganda o positibo ang kalalabasan ng relasiyon namin kaya naman ganoon na lamang siya ka-undecided.
Mahal ko si Aki-san, sobra. At handa akong gawin ang lahat mapatunayan ko lamang iyon sa kanya. Kahit magmukha pa akong tanga sa harap ng maraming tao ay tatanggapin ko kung iyon lang ang tanging paraan para mapagaan ko ang loob niya at tuluyan na niyang ipagkatiwala sa akin ang kanyang puso. Laking pasasalamat ko nga dahil nakaagapay sa akin ang mga magulang ko.
Strikto si Tou-chan pero alam kong ginagawa niya lang ito dahil minsan na silang nawalan ng isang anak at masakit para sa kanila ang pagkawala ni Chiromi noon. Si Kaa-chan naman ay laging nakaalalay sa akin at sinusuportahan ako sa lahat ng nagiging desisyon ko sa buhay; tama man o mali. Napakasuwerte ko talaga na sila ang mga magulang ko at pinalaki nila ako na hindi madaling sumuko. "Hanamichi-kun, pakilipat naman ng mga kahon na ito sa stock room," biglang tawag sa akin ng isa sa mga katrabaho ko.
Natanggap ako bilang isang construction worker. Malaki ang building na kailangang tapusin at ilang buwan ang kontrata na kanilang binigay sa amin. Balak ng may-ari na magtayo ng isang panibagong hotel branch. Ang nakakalungkot nga lang ay malayo ito sa amin kaya kinakailangan kong manirahan muna dito pansamantala para makatipid ako sa gastusin sa pagbibiyahe.
Pinaalam ko ito nang maaga kay Tou-chan at Kaa-chan pero inilihim ko kay Aki-san. Alam kong masama ang ginawa kong iyon pero batid ko ring kapag sinabi ko sa kanya, hindi ko magagawang umalis sa itinakdang araw. Sa mga sandaling ito, baka may hinanakit na sa 'kin si Aki-san.
Tumatawag ako sa kanila bago ako matulog sa gabi. Maayos naman ang kalagayan ni Aki-san at sa bahay pa rin ng mga magulang ko siya nakatira. Bubukod na lang kami kapag dumating na ang sanggol. Maselan din ang pagbubuntis ni Aki- san kaya hindi siya maaaring iwanang mag-isa.
"Hanamichi-kun, pakisabay na rin ang isang 'to," pahabol na sabi naman isa pang kasamahan kong construction worker at inabot sa akin ang isang maliit na kahon. "Pasensiya ka na, ha?" pagpapaumanhin pa niya.
Nangiti naman ako ng malawak. "Ayos lang, Haneda-san!" tugon ko sa lalaking tinawag kong Haneda-san. Isa siyang middle-aged Beta at mayroon itong pamilya. Siya ang tumulong sa aking makapasok sa trabahong ito kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Matapos kong dalhin ang mga kahon sa stock room at naitago ang mga ito nang maayos ay kaagad din akong bumalik sa labas upang tumulong naman sa pag-stack ng mga hollow blocks. Sobrang nakakapagod ang buong araw na pagbababad sa araw. Minsan naman ay maulan kaya wala gaanong natatapos na gawain. Balita ko ay napakalaki ng nasabing hotel branch kaya marami rin ang nabigyan ng oportunidad na makahanap ng pansamantalang hanap-buhay, kagaya ko na lamang. Hindi ako likas na maalam sa construction pero madali lang naman matutunan ang simpleng pagmamasa ng semento at mayamayang pagtulong sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Para saan pa na malaki ang katawan ko kung 'di ko rin lang magagamit?
"Hanamichi-kun, malapit lang ba dito ang tirahan mo?" biglang tanong sa akin ni Haneda-san nang makabalik na ako galing sa stock room.
"Eh? Um... medyo," nahihiya ko namang tugon.
"Pasensiya na sa tanong," pagpapaumanhin nito nang mapansin ang pagkailang ko na mabilis ko namang itinanggi.
"Ayos lang, Haneda-san!" pagsisiguro ko. "Ang totoo niyan, maayos naman ang boarding house na nahanap pero hindi ko maiwasang mangulila sa amin," pag-aamin ko kasabay ng pagkalungkot ng aking mukha. "May mate ka bang naghihintay sa pagbalik mo?" nakangiti niyang hinuha bago binuhos ang isang sako ng powder cement sa maliit na mixer.
Napabuntonghininga naman ako. "Sana nga po ay ganoon, Haneda-san," matalinghaga kong sagot kaya napasimangot ang lalaki sa sinabi ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" aniya.
Hinaluan ko naman ng tubig ang sementong nilagay niya sa mixer bago nagsalita, "Magkakaanak na po kami ng minamahal ko pero hindi pa kami mates," siwalat ko sa aking kaharap na ikinagulat niya. "Isa po siyang Alpha at isa naman akong Omega. Hindi po namin inasahan na may mabubuo kami. Komplikado ang lahat pero handa akong gawin ang kahit na ano para sa taong ito."
Narinig kong napalunok si Haneda-san. "Ang buong akala ko ay isa kang Alpha. Pero hindi ko sinasabing nakakadismaya na isa kang Omega, ha?" aniya bago nagpatuloy. "Kung gano'n, mas mabuti kung maging mas maingat ka, Hanamichi- kun. Kahit na Beta ang karamihan sa mga nandito ay maaaring may isang Alpha pa rin ang nagpapanggap na isang low class at baka masaktuhan na makaharap mo sila habang nasa heat ka," payo niya. Nakikita ko si Tou-chan sa kanya, sa totoo lang.
"Maraming salamat po sa pag-aalala, Haneda-san," nakangiti kong ani at sinimulang haluin nang bahagya ang semento at tubig. "Mahal na mahal ko po ang Alpha na sinasabi ko pero sa ngayon, hindi pa ako ganoon kasigurado kung mahal niya din ako."
Tila naging interesado naman si Haneda-san at pinandilatan ito ng mga mata. "Ilang taon ka na ba, Hanamichi-kun?" usisa niya.
"Eh? Twenty-two po," tapat ko namang pakli.
"Kaedad mo rin ba ang Alpha na sinasabi mo?" tanong niya.
"Thirty-two po si Aki-san!" proud kong turan habang nakangiti ng malapad.
Nanlaki na namang muli ang kanyang mga mata pero pinilit niyang itago iyon bago tumikhim. "Sa pagkakaalam ko ay rare case na kayang buntisin ng isang Omega ang isang Alpha. Kung magiging matagumpay naman, maselan daw ang pagbubuntis ng nasabing Alpha," aniya Haneda-san at nagsimula akong kabahan.
Bukod sa stress nitong unang buwan ng pagdadalang-tao ni Aki-san, madalas din ang mood swings niya at sunud-sunod din ang naging problema niya sa personal niyang buhay at maging ang pagtira namin sa bahay ng mga magulang ko ay nakaapekto din. Hindi lang iyon. Malaki din ang posibilidad na nape-pressure siya ngayon dahil kailangan na niyang magdesisyon kung magiging mates ba kami o hindi kapag nakapanganak na siya.
[Bakit hindi ko na-realize kaagad? Kaya naman pala hindi niya magawang maamin sa amin kung ano ang totoo niyang nararamdaman ay dahil parang napipilitan lamang siya dahil sa kasalukuyan naming sitwasyon,] sa isip-isip ko habang patuloy sa paghahalo ng semento. Hindi ko na namalayang sumobra na pala ang nailagay kong tubig kaya kaagad din akong nag-panic.
"Ah! Pasensiya na, Haneda-san!" mariin kong pagpapaumanhin.
"Ayos lang, Hanamichi-kun," ani Haneda-san. "Dadagdagan ko na lang ng kaunting semento 'yan. Mabuti pa ay magpahinga ka muna saglit. Kanina ka pa lakad nang lakad."
.
.
Sinunod ko na lamang ang kanyang payo at pumunta ako sa hindi gaanong matao na parte ng site. Dito ay naupo ako sa isang bakanteng sulok at napabuntonghininga ng malalim. May upuan naman hindi kalayuan mula dito sa kinatatayuan ko pero mas pinili kong tumungko. Miss na miss ko na si Aki-san. Sabik na akong makasama siya ulit at marinig ang kanyang boses. Kung ako ang masusunod, hindi ako magdadalawang-isip na umuwi sa amin ngayon din pero may inaasahan na kaming responsibilidad at hindi maaaring maging carefree na lang ako panghabang-buhay.
[Sorry talaga kung naipadama ko na parang iniwan kita, Aki-san,] ani ko sa aking isipan at napabuntonghininga ulit.
"Aki-san, miss na kita!" sigaw ko sa kawalan at naluha nang bahagya.
Ilang sandali pa ay may narinig akong kaluskos. Tunog ng isang taong naglalakad ang ingay na nililikha nito. Napalingon sa aking paligid - walang tao. Naalerto ako bigla at hinintay na mawala ang naglalakad pero nanlaki ang mga mata ko nang papalapit sa direksiyon ko ang nagmamay-ari ng mga yabag ng paa. Sinimulan akong pagpawisan. Ilang araw na akong lumalagi dito pero ni minsan ay walang ibang tao ang napunta.
[Hindi kaya ang foreman namin ang papunta rito?!] Kabado kong wari sa isipan. Baka akalain niya ay tumatakas ako sa oras ng trabaho!
Nagmadali akong tumayo at akmang tatakbo na sana pabalik sa site namin nang saktong nagkasalubong kami ng isang lalaki. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Nakaayos ang may kakapalan niyang buhok at mukha siyang businessman tingnan.
"Ah," mahinang pakli ko kasabay ng paninigas ko sa aking kinatatayuan. Katapusan ko na ito!
"Who are you?" tanong ng lalaki at saka ko lang natitigan nang husto ang kanyang mukha. Parang may kamukha siya na kakilala ko pero hindi ko maalala kung sino.
Napalunok naman ako bago tumayo ng maayos at magalang ngunit kabado na sumagot, "Hanamichi-kun... desu. Isa ako sa mga bagong hired na temporary construction worker... s-sir."
Napatitig siya sa akin. Sinuri niya ang aking kabuuan. Para akong maiihi sa sobrang takot at kaba dahil ayoko pang matanggal sa trabaho. "Ano'ng ginagawa mo rito? Shouldn't you be working?" usisa niya.Belongs © to NôvelDrama.Org.
Mabilis naman akong napayuko sa sobrang hiya at pagsisisi na naisipan ko pang pumunta rito. "Paumanhin po! Hindi po ako tumatakas sa trabaho! Babalik na po ako, sir!"
Napasimangot naman siya. "Why are you shouting? And I'm not accusing you either so why act so guilty?"
"Patawad po, sir!" pasigaw kong pagpapaumanhin ulit. Napakatanga ko talaga!
"Never mind. You can go back now," sabi nito at nakailang hingi rin ako ng paumanhin bago kumaripas ng takbo.
[Ah, Chihiro! Napakalaki mong tanga! Oras ng trabaho pero heto ka at kung saan-saan napapadpad ang isipan mo! Umayos ka para kay Aki-san!] Halos naiiyak kong sinuway ang aking sarili habang tumatakbo ako pabalik ng site. Nagtaka si Haneda-san sa mabilis at biglaan kong pagsulpot. Ito kasi mismo ang nagsabing magpahinga muna ako saglit pero hindi man lang tumagal ng limang minuto ang pagkawala ko at heto ako ngayon tila mas lalong nadagdagan ang problema.
"May problema ba, Hanamichi-kun?" kamusta ng matanda sa akin. Kasalukuyan pa itong naghahalo ng semento at tubig.
Hinihingal naman akong napasagot, "P-pasensiya na, Haneda-san. May nakakita k-kasi sa 'kin at baka akalain niyang wala akong ginagawa kaya bumalik na lang ako," pagpapaliwanag ko.
"At sino namang nakakita sa 'yo? Sa inaasal mo ngayon para kang nakakita ng multo," aniya sa sobrang pagkamangha habang nagpupunas siya ng pawis sa kanyang noo gamit ang braso niya na may mantsa ng semento na nahaluan na ng tubig pero hindi iyon naging abala sa kanya.
Napabuntonghininga naman ako. "Hindi ko po kilala. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at mukha siyang yayamanin," pagkukuwento ko.
"Tuxedo? Malakas ba ang kanyang dating?" usisa nito na halatang naintriga.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Opo."
Napakamot si Haneda-san sa kanyang batok bago napa-tsk sa pagkadismaya. "Mukhang si Shimada-san yata ang nakita mo." "Shimada-san?" pag-uulit ko sabay napakunot ang noo.
[Kamag-anak kaya siya ni Kazuki-san?] Sa isip-isip ko pero kung titingnang mabuti, malaki nga ang pagkakahawig nilang dalawa. Tumango si Haneda-san. "Marahil. Bakit, kilala mo?"
Mabilis akong umiling ng maraming beses. "H-hindi po. Pero pamilyar lang sa akin ang apelyido niya," giit ko.
Napahalakhak naman si Haneda-san. "Sa bagay," aniya bago nagpatuloy, "kilala ang mga Shimada sa pag-aari ng mga magarbong hotel sa lugar na ito. Kung parehong tao itong nakita mo at tinutukoy ko, walang duda na si Shimada Kazunari-san ang nakaengkuwentro mo kanina. Siya ang may-ari nitong ipapatayong bagong hotel."
Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa labis na pagkamangha. "Matatanggal na po ba ako sa trabaho, Haneda-san?" halos naiiyak kong tanong na nagpatawa lalo sa aking kausap. "Hanamichi-kun, relax ka lang," tumatawa nitong pagpapakalma sa 'kin.
Napakaliit nga ng mundo, 'ika nila. Sino'ng mag-aakala na sa ganitong paraan ko pala unang makikilala ang may-ari nitong pinapatayong hotel? Kung siya nga ang tinutukoy ni Haneda-san, ano kaya ang sadya niya rito sa site? [Marahil ay personal niyang inaalam kung tuloy-tuloy ang trabaho ng mga na-hire nilang construction workers, lalo na iyong mga baguhan lang,] wari ko sa isipan at minabuti na lang na tapusin ang naudlot kong gawain kanina.
Pagsapit ng hapon ay kani-kaniyang nagsiuwian ang mga trabahante.
"Hanamichi-kun, wala ka bang ibang lakad ngayong gabi?" tanong ni Haneda-san sa akin.
Maang akong napailing bago sumagot, "W-wala naman po," magalang kong wika.
"Gusto mo bang sumama? Mag-iinuman daw sila at dahil isa ka sa mga baguhan, ililibre ka namin," deklarasiyon nito na sinundan kaagad niya ng pagak na tawa.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Napalunok naman ako sa narinig. "Pero, Haneda-san... hindi po ako umiinom," nahihiyang amin ko.
Pinandilatan ng mga mata ang kaharap ko. "Gano'n ba? Sayang naman. Sige, ingat ka sa pag-uwi. Sabihan mo lang ako kung gusto mo ng makakausap o makakasama sa pamamasyal dito. Alam na alam ko ang lugar dahil dito ako lumaki,” ani Haneda-san nang nakangiti.
Nangiti rin ako bilang pagsang-ayon. "Maraming salamat po, Haneda-san. Ingat din po kayo," paalam ko sa kanya bago siya tuluyang umalis.
Miss na miss ko na si Aki-san. Pero dahil gusto ko siyang bigyan ng oras para sa kanyang sarili at panahon na pag-isipan ang lahat, tinitiniis ko ngayon ang mapalayo sa kanya. Alam ng mga magulang ko ang tungkol dito at maging sila ay aminado na kailangan namin ng sari-sariling distansiya upang hindi namin pagsisihan ang mga magiging desisyon namin sa hinaharap. Simple lang naman ang nais ko para kay Aki-san maliban sa mahalin siya ang makita siyang masaya. Akmang lalakad na sana ako pauwi nang biglang nakaramdam ako ng panlalamig sa buo kong katawan na sinundan kaagad ng pag-iinit na hindi ko maipaliwanag. Nagsimula akong mahirapang huminga at halos umikot ang paningin ko sa buong paligid kaya naman napahinto ako at bahagyang napaluhod sa isa kong tuhod.
"Bakit ako biglang dinalaw ng heat?" tanong ko sa 'king sarili at kinapa ang dala kong bag upang hanapin ang suppressants ko pero napasinghap ako nang wala akong mahanap.
[Lagi akong may dalang suppressants kahit saan ako magpunta. Maingat ako sa lahat ng oras pero ngayon lang nangyari ang ganito!] Naiiyak kong sisi sa isipan. Bakit ngayon pa kung kailang nasa pampubliko akong lugar?! "Aki-san..." mahinang sambit ko na lamang sa pangalan ng taong mahal ko habang mahigpit na hawak ang aking bag. Pagabi na at hindi ligtas ang manatili dito sa site. Kung nagkataon na may mapadaang Alpha dito, isang malaking kamalasan sa akin 'yon!
Kahit na para akong mapapanawan ng ulirat ano mang segundo, pinilit ko pa ring tumayo upang maghanap ng ligtas na lugar para palipasin ang heat ko. Kapag nagpumilit akong umuwi sa ganitong sitwasiyon, walang duda na mamomolestiya ako nang wala sa oras.
Nagpunta ako sa lugar kung saan ako parating nagpapahinga kapag break time namin. Doon ako komportable at walang gaanong napapadpad doon. Pagkarating ko ay kaagad akong natumba paupo sa sahig. Hinihingal pa rin ako at hindi ko pa rin lubos na mawari ang nakapaligid sa akin. Kapag nagpatuloy ito, maaari na talaga akong mawalan ng malay.
"Aki-san... natatakot ako," sabi ko sa aking sarili kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Matagal na panahon ko nang hindi naranasan ang takot na ito. Magmula noong nangyari ang insidenteng iyon ay binaon ko na rin sa limot ang lahat. Ngayon ay unti-unting nagbabalik sa aking isipan ang bangungot na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ko. Ayokong mag-isip nang ganito pero hindi ko maiwasan dahil malayo ako sa mga taong nagpaparamdam sa akin na ligtas ako.
Tatayo na sana ako para subukang humanap ng mas ligtas na lugar na maaari kong paglipasan ng gabi kung sakaling hindi kumalma itong heat ko pero napatigil ako sa aking kinatatayuan nang may maaninag akong hubog ng isang tao na naglalakad papalapit sa akin. Sobrang dilim dito kaya hindi ko siya mamukhaan at dagdagan pang hilung-hilo na ako. Tinangka kong tumakbo paalis pero nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang panghihina. May natitira pa naman akong lakas upang depensahan ang sarili ko kung sakaling may gawing masama sa akin ang taong nakatayo na ngayon sa harap ko pero hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang protektahan ang aking sarili.
"Why is an Omega like you roaming around here so freely?" aniya ng boses na pag-aari ng isang lalaki. Pamilyar ang kanyang boses, parang narinig ko na kung saan.
[Isa kayang Alpha ang isang 'to? Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero may naaamoy akong mahinang Alpha pheromones na nagmumula sa kanya,] wari ko sa isipan habang panay ang hakbang ko paatras at bahagyang inalerto ang sarili ko sa maaaring gawin niya laban sa 'kin.
"Layuan mo 'ko," mahina ngunit puno ng banta na taboy ko sa naturang lalaki.
Narinig ko siyang pagak na napatawa. "You're obviously suffering pero may gana ka pang magkunwaring matapang?" tila namamangha niyang turan. "Aren't you the guy I saw earlier?" pahabol nitong saad na nagpadilat ng mga mata ko sa gulat.
"Shimada-san?!" bulalas ko. Mas lumapit siya sa akin kaya naman unti-unti ko na ring naklaro ang kanyang buong anyo at hindi nga ako nagkamali. Siya ang lalaki kanina na nakita ko! "How did you know me?" tanong nito. Titig na titig siya sa akin. Naaamoy ko pa rin ang Alpha pheromones niya pero hindi siya nagpapakita ng mga senyales na apektado ito sa heat ko. "Nagbaka-sakali lang po," magalang kong tugon bago ako nagsimulang mawalan ng balanse. Matutumba na sana ako pero masuwerte akong nasalo ng lalaki.
"Oops. Careful now," aniya at mahigpit akong inalalayan. "You're pretty heavy and big for an Omega. You kind of remind me of someone I know," halos pabulong nitong sabi pero hindi ko na binigyang tuon ang mga salita niya dahil ramdam ko nang bumibigay na nang tuluyan ang katawan ko.
"Aki-san..." muli kong tawag sa pangalan ng pinakamamahal ko bago ako nawalan ng malay.
Narinig ko pa ang lalaki na sinubukan akong gisingin pero hindi na talaga kaya ng katawan ko. Ngayon lang ito nangyari sa akin. Mataas ang sexual arousal ko pero si Aki-san pa rin ang dinadaing ng puso ko. Ang tanging hiling ko na lamang ngayon ay matapos ang gabing ito na wala akong pagsisisihan.
[Natatakot ako... Aki-san,] ito ang huli kong naisip bago ako bumagsak sa sahig.