The Fall of Thorns 1: Alano McClennan

Chapter 8



Chapter 8

“HOW WAS your assignment doing so far, Clarice? Bihira na kaming makarinig ng balita mula sa `yo.

Lately, mas madalas ko pang makausap si Radha kaysa sa `yo. Dapat na ba kaming mag-alala?”

Napahugot ng malalim na hininga si Clarice. Kung hindi lang siya pagdududahan ng mga kaibigan,

siguro ay hindi niya sinagot ang tawag na iyon ni Yalena. Ilang linggo niya nang iniiwasan na

makausap ang kambal. Wala rin siyang idea kung ano ang tamang sasabihin sa mga ito. Hindi niya na

maunawaan ang sarili.

Tuwing nakikita ni Clarice ang pagmamahal sa mga mata ni Alano, nagkakaroon ng pagdududa sa

puso niya tungkol sa plano. Alam niyang hindi niya iyon dapat na maramdaman pero kahit anong

pagpipigil ay naaapektuhan pa rin siya sa ipinapakitang kabutihan ng binata.

“There is nothing to worry about. Every thing is under control, Yana.” Sinadya ni Clarice na tawagin sa

palayaw nito ang kaibigan para ipanatag ang loob nito. Kinder pa lang siya ay magkakaklase at

magkakaibigan na sila ng kambal. Kahit pa nagdududa na siya sa sarili ay ayaw niyang magkaroon din

ng puwang ang pagdududa sa puso ng mga kaibigan para sa kanya. Mahal niya ang mga ito, ang

dalawa na lang ang natitira sa kanya. They were like a family to her. Alam niya rin ang matinding

paghihirap na pinagdaanan ng mga ito nang sabay na mawala ang mga magulang.

“Busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi na ako nakakatawag sa inyo. Pasensiya

na. It won’t happen again.”

“I understand. Wala ka pa bang nakukuhang impormasyon tungkol kay Benedict?”

“Wala pa.” Bumakas ang frustration sa boses ni Clarice. “We were right, though. His sons are hiding

him. Hindi ko pa alam kung saan siya itinatago. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kahit ilang private

investigator na ang inupahan natin noon ay hindi pa rin siya matagpuan. I don’t know what in the world

happened but I promise I won’t stop until I find out, Yana.” Paniniguro niya sa kaibigan bago

nagpaalam.

Bumuntong-hininga si Clarice bago napatitig sa mansion ng mga McClennan mula sa bintana ng

kanyang sasakyan. Sa liwanag na dulot ng sikat ng araw ay para bang tore ang kulay-kremang bahay

na iyon na kay hirap tibagin katulad mismo ng mga naninirahan doon, ang tatlong kawal ni Benedict,

ang mga anak nito.

Minsan ay pinagtatakhan niya kung kakayanin ba talaga nila ng mga kaibigan na malagpasan ang mga

anak ni Benedict. Alano may be in love with her right now but that did not mean that he was easier to

deal with.

Bumuntong-hininga uli si Clarice bago bumaba na ng kanyang kotse. Lumapit siya sa gate at nag-

doorbell. Alas-sais pa lang ng umaga ay ginising na siya ni Alano sa pamamagitan ng pagtawag nito.

Inanyayahan siya ng binata na magpunta sa mansion ng mga ito. Hindi nito sinabi kung bakit. So here

she was.

Si Alano pa mismo ang magbukas ng gate para sa kanya. Nakangiti itong sumalubong sa kanya.

“Pasensiya ka na. Susunduin sana kita sa apartment mo. But I got so busy in the kitchen.” Hinapit nito

ang kanyang baywang mayamaya ay maalab na hinalikan siya sa mga labi. “I missed you.”

Her heart started pounding. Isang bagay na ilang linggo niya na ring pinagtatakhan. Automatic na

ipinulupot ni Clarice ang mga braso sa batok ni Alano at pinalalim pa ang halik. She could kiss him all

day and she wouldn’t mind. She loved kissing him and she loved the way he kissed her back as if she

was the most beautiful woman he had ever seen. And it was hard. Because she was not supposed to

love anything about him.

Sa naisip ay napadilat si Clarice. Pinagmasdan niya ang nakapikit na gwapong anyo ni Alano. Napuno

ng init ang puso niya. Focus, Clarice. Focus. Ilang sandaling pilit na kinalma niya na muna ang puso

bago sa wakas ay inilayo ang sarili kay Alano.

Puno ng kislap ang mga mata ng binata nang dumilat ito. “Can I assume by the way you kissed me that

you missed me, too?”

“KAGABI lang tayo nagkita,” paiwas sa sagot ni Clarice. Nagpunta si Alano sa apartment niya noong

nagdaang gabi pagkagaling nito sa opisina. Kahit ilang beses niya nang pinagsasabihan ay tumutuloy

pa rin ito sa supermarket bago sa apartment niya. Pagdating doon ng binata ay nagluluto pa ito.

Tinotoo nito ang mga ipinangako noong gabing magtapat ng pag-ibig sa kanya. Alano was a very

stubborn man. He would always cook for her, and he would do it almost every night. And she must

admit he was improving a lot.

Ilang araw mula nang makabalik sina Clarice at Alano noon sa Manila mula sa beach house nito sa

Laguna ay naghanap na siya ng apartment. Mas praktikal iyon kaysa sa resort kahit pa mas gusto

sana siyang manatili roon ng mga kaibigan dahil mas magiging komportable at ligtas daw siya sa resort

base sa higpit ng security doon. Pero ipinagpilitan pa rin ni Clarice na sa apartment manatili. Ilang ulit

na rin siyang kinulit ni Alano na bilhan na lang ng condo unit o kaya ay town house na malapit sa

mansiyon ng mga ito pero tumanggi siya. Kung tutuusin, sa laki ng naipon ni Clarice ay kakayanin

niyang magpundar ng sariling bahay pero ayaw niya dahil ilang buwan lang naman ang itatagal niya sa

bansa. Wala na siyang balak manatili pa roon sa oras na maisagawa niya na ang plano. She breathed

heavily upon the thought.

“I’m truly hoping that one day; you would come around, Clarice, and express your feelings more,”

masuyong sinabi ni Alano bago ito muling ngumiti at pinagmasdan ang kanyang kabuuan. She was

only wearing a cream sleeveless top and faded maong jeans. Walang takong na sandals ang ipinaris

niya roon. Her jeans were her most favorite outfit. Dahil doon siya pinakakomportable. “I’m just

wondering. How do you manage to pull that off?”

Kumunot ang noo ni Clarice. “What do you mean?”Content is property of NôvelDrama.Org.

“You look breathtaking even in jeans.” Napailing si Alano bago tumingala sa langit. “Thank You, Lord,

for thy blessings. I am truly a blessed man.”

Natawa na lang si Clarice bago nagpaakay na kay Alano sa loob. Muli siyang nasorpresa nang

makitang nakaupo lang sa sala ang mga kasambahay nina Alano na sabay-sabay na tumayo lang para

magbigay-galang sa kanya.

“Pinagpahinga ko na muna ang mga katulong. I’m the one who did all the work in the kitchen,”

nagmamalaking bulong ni Alano.

Nang makarating sa komedor ay nasorpresa uli si Clarice sa ayos ng mesa. Naka-set iyon para sa

dalawa. Naroroon na ang mga pagkain, ang wine, ang mga kandilang nakasindi na, mayroon ding

hugis-pusong cake at bouquet ng bulaklak.

“Sinabi ko naman sa `yong pagsisilbihan kita. I was the one who did every thing. You can even ask the

maids.”

“What for? Pwede namang sa ‘min na lang siya magtanong,” anang isang baritong boses.

Napalingon si Clarice sa bukana ng komedor. Naroroon ang magkapatid na Austin at Ansel. It was the

first time they met. Parehong hindi nakapunta ang mga ito sa opening ng resort sa Antipolo dahil sa

kanya-kanyang business transactions ayon na rin kay Alano.

Lumapit kay Clarice si Ansel at inabot ang kamay niya. He kissed the back of her hand. “Finally, we’ve

met, Clarice Anne. I’m Ansel, Alano’s older brother.”

Mabilis na kinuha ni Alano ang kamay niya mula sa kapatid nito. Malakas na tumikhim ang kanyang

boyfriend kasabay ng para bang possessive na paghapit sa kanyang baywang. “Back off, Kuya Ansel.

She’s mine,” mukhang naiinis pang sinabi nito bago siya nilingon. “He’s the well-known villain in the

business society, Clarice. Don’t get too close to him. He eats people alive.”

Natawa si Ansel, naaaliw na tinapik nito sa balikat ang boyfriend niya. “That was one harsh statement,

brother.” Tiningnan siya ni Ansel. “`Wag kang maniwala sa kanya, Clarice. I don’t eat people alive. I do

have the decency to cook them first,” nagbibirong sabi nito. “Besides, it’s better to be a villain, don’t you

think? Kaysa ang maging bida na palagi na lang ginagawang mahina at kawawa sa bawat palabas.”

“Don’t scare our guest, Kuya Ansel.” Lumapit na rin si Austin at inilahad ang palad kay Clarice na

kanya namang tinanggap. “I’m Austin. `Glad to finally meet you, Clarice. Nakita kita sa party noong

anniversary ng kompanya, hindi nga lang tayo nagkaroon ng chance na makapag-usap.”

“He’s Austin the nerd,” himig-pagbibiro na ring dagdag ni Alano.

Napailing na lang si Austin. “I’m glad to see the changes that you have done for Kuya Alano, Clarice.

As long as you keep him on tract, we’re good. Your love for each other should be directly proportional

to the product of trust. Because when it decreases, love also decreases.” Nagkibit-balikat ito.

“Researches prove that a changed trust can also change love.”

Malakas na napabuga ng hangin si Alano. Nanghihingi ng paumanhing sinulyapan siya nito.

“Pagpasensiyahan mo na sana ang mga kapatid ko, Clarice. I really planned to introduce them to you...

Just not this way.” Bumalik ang mga mata ng kanyang boyfriend sa mga kapatid nitong amused na

nakangiti lang nang mga sandaling iyon. “I really appreciated that both of you waited for Clarice but,

brothers, please leave now before you embarrass me more.”

“All right. You don’t have to say it anymore. I’m leaving.” Nagtaas ng mga kamay si Ansel. “Welcome to

the family, Clarice Anne. See you later.” Tinanguan siya nito bago umalis na ng komedor.

“Naghihintay na rin siguro sina Mama. I better go now with Kuya Ansel. Baka naiinip na sila ni Papa.”

Ngumiti si Austin bago nagpaalam na at sumunod sa kapatid.

Kumabog ang dibdib ni Clarice. Hayun na ang pagkakataon niyang malaman kung saan naglulungga si

Benedict. Naaalarmang sinulyapan niya si Alano. “Alano, I’m really sorry. Pero ngayon ko lang naalala

na may kailangan pa pala akong puntahan na kaibigan sa—”

“Happy third monthsary, baby,” sa halip ay sinabi ni Alano. Lumuhod ito sa kanyang harap hawak ang

isang singsing na dinukot nito mula sa bulsa ng pantalon. “Will you marry me?”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.