Pieces of You

Chapter 2 Weird



"Yssen?! Oh, thank God at gising ka na! Ano ba ang nangyari sayo at bigla kang nahimatay? Nakakaloka ka ah. Nag-alala tuloy kami sayo." Masyadong masakit ang ulo ko pagmulat ko.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Inilibot ko ang mga mata ko sa di kalakihang kwarto.

Naamoy ko ang pamilyar na amoy na sa tingin ko'y mga gamot, betadine at alcohol.

Inikot ko pa ng tingin ko sa di kalaki hang kwarto at napansin ang apat dalawang cubicle na nasa tapat at dikalayuan sa akin. Puti ang kisame at ang sementadong dingding at may nurse na nakastandby sa tabi ng pintuan. Nasa clinic nga ako.

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa kirot. Bakit ba sumasakit ang ulo ko?

"Urgh. Bakit ako nandito? A-Ano-"

Napahinto ako sa pagtanong nang napadako ang tingin ko sa babaeng kinakausap ako kanina.

Her voice is quite familiar pero... ngayon ko lang siya nakita. Teka, sino nga ba siya?

"Uh. S-Sino ka?"

Napaka-awkward ng tanong na iyon na pati ang kaninang tumawag sa akin ay kumunot ang noo.

Bakit nga ba siya nandito gayong hindi ko naman siya kilala?

"Oh come on, Yssen. Pagkatapos mong mahimatay at pag-alalahanin kami, babanat ka pa ng joke? Di ko alam na clown ka pala."

Nakapameywang na nakaharap sakin ang babaeng kinakausap ako kanina.

Pamilyar talaga itong babae sakin pero di ko maalalang nagkita na kame. Kahit pangalan niya di ko alam.

She keeps on calling me Yssen. Sino ba 'yang si Yssen? Ganon na ba talaga kami kahawig at pinagkamalan niya ako 'yung taong tinatawag niya sakin? At teka, bakit ba ako nahimatay?

"Ako? Nahimatay? Bakit naman ako mahihimatay? Tsaka sino si Yssen?"

Teka. Naguguluhan na talaga ako. Nakahawak pa rin ako sa aking senti do habang may kakaunting kurot pa ring parang sinusundot ang aking ulo.

The last thing I remembered was, I came home at kinuha yung laptop para idelete ang story na ginawa ko na puro kahibangan. And then... biglang... what the heck.

"Well, sabi ng nurse na-over fatigue ka raw at kailangan mong magpahinga. In-excuse na kita sa teacher natin para sa next subject para naman di ka hanapin non at imark ka as absent. And sa pangalawang tanong, talaga bang gusto mong bigyan ko 'yun ng sagot? Hey."

Isang pitik ng kamay ang nagpabalik sakin sa wisyo.

Teka lang, itong babaeng ito. It can't be. Paanong? Imposible..

"You okay? Tulala ka. Teka nga lang."

Natatandaan ko na. Pero, I can't believe it. Paano nangyari to? Urgh. Mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko 'yun.

Sinulyao ko ang babaeng tumawag sa aking Yssen at tinawag ang atensyon ng nurse.

"Overfatigue lang po ba talaga meron 'yang bestfriend ko or nagka-amnesia na rin to? Baka nabagok ang ulo or masyadong nayugyog brain niya or what?"

Geille. Yes. Siya nga.

Kumunot ang noo ng nurse habang tumigil ito nang may hawak na ballpen sa kanyang kamay.

"Wala naman po siyang amnesia, Ma'am. Overfatigue lang po talaga ang pasyente. She needs rest. 'Yun lang po talaga."

Prenteng sabi ng nurse na nasa counter malapit sa pintuan.

Mukhang nagduda pa si Geille at hindi kumbinsido na wala nga akong amnesia base sa nakunot niyang noo. Nakakatuwa siya.

"Uhm. G-Geille. I'm- I'm okay. W-Wala akong amnesia."

Napalingon naman ang dalawa sa akin sa biglaan kong pagsalita sa gitna ng kanilang argumento.

"See? She's fine." Pagsesegunda ng nurse na in-charge dito sa clinic.

"Yeah. I heared it too, Nurse Ayee."

Bumalik na nga ang nurse sa pag-aasekaso ng kanyang trabahona habang humarap naman sakin si Geille.

She frustratedly sighed.

"Alam mo, ikaw babae ka, di kita maintindihan ngayon e. Ang weird mo. At, nagtatampo din ako sayo. Imagine, tinanong mo pa talaga kung sino ako ha? 3 years, Yssen! 3 consecutive years tayong magkasama tapos ngayon mo pa ako kakalimutan? Ano, Yssen?"

Hala. Nagalit ko yata.

Nagpabalik-balik itong maglakad sa harap ko at maya-mayang umiiling-iling habang nakahawak sa sentido. Uh. Paano to?

"Alam mo, sobra na. Hindi ko na kaya. Ayoko na. I'm done, Yssen. Bye."

Hala! Magwo-walk-out! Nagalit na.

Ano gagawin ko? Bakit ba ganito dito? Nakakawindang. Teka. Isip, Sol!

"G-Geille! T-Teka! B-Bespren!" Wala sa sariling wika ko.

Natigilan naman ito at hinarap uli ako.

Nakakunot-noo na naman ito at bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Maya-maya pa ay...

"Joke lang! Hahahaha! Kinabahan ka don no! Nakakatawa 'yung mukha mo, bespren! Hahahahaha!" Niyakap niya ako tsaka pinalo sa braso ko. Napabuntong-hininga na lang ako.Property belongs to Nôvel(D)r/ama.Org.

Akala ko pa naman nagalit na talaga. Buti na lang. Hays.

"Hehe."

Sobrang awkward ng sitwasyon na to. Pinasadahan ko na lang ng daliri ang dulo ng aking buhok, nagbabakasakaling mawala ng kaunti itong kaba ko.

"Oh. Ano, okay ka na? Okay ka na. Ako nga okay e. Hahaha. Anyways, alam mo ba kung sino 'yung nagdala sayo dito? Siyempre, hinde. Tulog ka e. Lalaki siya, syempre. So, ano. May clue ka ba?"

Kung may nakakatuwa man sa bespren ko dito at sa bespren ko sa totoong buhay, yun yung malakas nilang sense of humor.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"L-Lalake? Sa pagkakaalala ko, w-wala naman akong kaclose na lalake dito sa school e."

Nasa hotseat na naman ako. Nababaguhan pa ako.

Pwedeng time first muna? Hindi ko kaya 'to.

"Hoy."

Naoaigtad ako ng pinitik na naman nito ang kanyang daliri.

"Ayos ka lang, ba talaga? Geez."

Napasinghap ako sa biglaang pagyakap sakin ni Ab-Geille. Hindi lang siguro ako sanay na may yumayakap sakin.

Si Abby lang kasi 'yung kadalasang hinahug ako kapag natutulala at tuliro ako. Bukod sa kanya, wala na.

Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin at ngumiti ako sa kanya. Magaan agad ang loob ko sa kanya kahit ngayon lang kami nagkakilala. Paano kasi, naaalala ko sa kanya si Abby. "Pero, 'yung tinanong mo kanina. Hindi ka nga masyadong malapit sa mga boys pero may ka-close ka naman e. 'Yun nga lang, isa lang. Sakit pa sa ulo. Tsk."

Meron? Who would it be? Wala pa akong maalala.

Ang hirap tandaan lalo na at hindi naman ako ang dapat na nandito.

Sa lalim ng iniisip ko para lang matandaan kung sino 'yun ay di ko namalayang may punasok na pala sa loob ng clinic.

"Speaking of the jerk."

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at hinarap ang taong kakapasok lang sa loob ng clinic.

Di ko masyadong maanig kasi hinarang ni Geilee 'yung taong iyon.

"Can you stop calling me jerk, ha Geille?"

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Di ko mapigilang pakiramdaman ito.

Bakit ganon? Bakit parang kilala ko 'yung taong kaharap ngayon ni Geille? Siya ba? Siya na nga ba 'yun? Bakit nabobosesan ko siya? Who could he be? "Anyway, how's Yssen?"

Napabuntong-hininga na lang si Geille at saka umalis sa pagkakatakip sakin.

Sobrang kabado ako ngayon. I heard steps coming. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita niyang ninenerbiyos ako.

"Hey. You okay?"

Tatlong salita pero grabe ang epekto sakin. I shouldn't feel this pero hindi ko maiwasan.

Parang nagkandabuhol-buhol ang lahat sa akin. Hindi ko magawang kumalma at mag-isip ng tama.

"Yssen." That was the second time I heard them called me by that name. Hindi ako sanay. Ayokong masanay.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

I clutch the sheet that's covering half of my body.

"She don't want to talk with you. Can't you feel it? Di ka ba nakakaramdam?"

Si Geille. Ano ba kasi ang nangyari dito? Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

Bakit parang galit itong kaibigan ko sa lalaking ito? Just why?

"O baka naman nagka-amnesia na nga ng tuluyan itong kaibigan ko at nakalimutan ka na? Okay na rin." Dagdag pa ni Geille. Masyadong harsh?

Narinig kong bumuntong-hininga ang lalakeng kanina pa nakatayo sa aking harapan ngunit di ko man lang inabalang tignan ang mukha.

"Sorry."

Biglang gumaan ang loob ko sa narinig mula sa kanya. And I felt like my heart just melted sa isang simpleng sorry niya lang kahit na hindi ko alam kung ano ang ginawa niya upang mag-apologise sa akin. Ang rupok ko talaga.

Nagsimula nang maglakad paalis ang lalaki without me seeing his face. I didn't even speak a word at him.

Dapat siguro may sabihin ako? Bakit ba di ko matandaan itong scene na to? Masyado nga ata kasing magulo. Pati utak ko magulo!

"N-Nathan!" Natigilan ito sa pagpihit ng doorknob nang marinig niyang tinawag ko ito sa pangalang iyon.

It was, probably his name. Oo, siya nga iyon.

Nakita ko ang manaka-nakang oagsulyao ng nurse sa aming dalawa ng lalaking tinawag kong Nathan, pero hindi ko alintana iyon dahil mas naagaw ng atensyon ko ang likod nito.

Ang likod lang nito ang tangin naaaninag ko pero ang hubog ng katawan ay hindi ko maitatangging kilalang-kilala ko.

How could I forget him?

"Yes?" Nagsalita ito at doon ko nakumpirmang siya nga iyon.

"Uhm. T-Thank y-you."

Urong na urong ang dila ko pero ayokong palagpasin ito. Dahan-dahan kong iniangat ang aking tingin, not willing this day to end without a glimpse of his face.

Hindi sa dahil gusto ko siya ah! No way! Gusto ko lang makita 'yung mukha niya. 'Yun lang!

Nakatalikod parin ito sa akin ngunit sa pagkakataong ito, hinarap niya ako.

The second our eyes met, I knew. He was him. Nagkandatambol ang puso ko sa kaba at galak.

Lalo na nang nagsimula itong naglakad papunta sa kinauupuan ko.

Napasinghap ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko at bigla akong niyakap.

This hug. It's warm and comforting.

If felt his lips on my ears. And then, he whispered the words I can't even believe if it's real.

"I miss you."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.