CHAPTER 1 Ang Muling Pagkikita
Napatiimbagang ako sa natanggap na tawag mula sa aking ina. Darating si Ruth, ang aking lihim na asawa. Isang taon na kaming kasal ngunit sa papel lamang ito at dalawang beses pa lang kami nagkikita. Labag sa aking loob na maikasal dito, i am thinking of another woman, my childhood sweetheart. Walang nakakaalam na kasal kami ni Ruth maliban sa aming mga pamilya at sa aking sekretarya, and i don't know what will happen kapag nalaman ito ni Charlotte, my only love, at ang babaeng pangarap kong maging asawa.
"Hey, dude, anong iniisip mo? Andito kami pero parang nasa Paris ang utak mo. Kumusta na nga pala kayo ni Charlotte?" tanong ng kaibigan ko sa akin, si Nathan.
"We're doing fine. Kaya lang pumirma na naman sya ng panibagong 1 year contract sa agency nya." wika ko dito habang nakaupo kaming dalawa sa sofa sa loob ng opisina ko.
"Tsk. Grabe din talaga ang suporta mo sa gf mo pare, hindi ka ba napapagod maghintay sa kanya?" tanong nito sa akin.
"No, i love her. At kung saan sya masaya nakasuporta lang ako sa kanya" paliwanag ko dito. Madalang kami magkita ni Charlotte at nangyayari lang yun kapag ako mismo ang dumalaw sa kanya sa Paris. Alam ni Ruth na may iba akong mahal. Napag usapan na namin ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Wala kaming pakialamanan sa buhay ng bawat isa.
"Sabi mo yan, pero dude, hindi ibig sabihin na palagi mo syang pagbibigyan. Knowing Charlotte, mas pipiliin nya ang career nya kaysa ang mag asawa." paliwanag ng kaibigan nya. Napabuntong hininga na lamang sya sa sinabi nito. Ilang beses na nga ba syang nagpropose kay Charlotte pero palagi itong tumatanggi sa kanya. Nagtatampo na rin sya minsan pero dahil mahal nya ito ay tatanggapin nya nalang ang desisyon nito. Bigla nyang naalala si Heart, ang kanyang asawa. Darating na ito ano mang araw mula ngayon at hindi nya alam kung papaano nya ito pakikisamahan.
Tsk! Ano ba naman ito, nakakapagod maglakad, napakainit. Malay ko bang medyo malayo ang bahay ni Shai sa gate ng subdivision. Para na ako nitong malagkit na suman. Basang basa na ako ng pawis.
"Manong pwede magtanong?" sabi ko sa nakaunipormeng guard sa harap ng malaking gate. Saglit kong ibinaba ang aking mga dala.
"Ano po yun nay?" tanong nito sa akin na ikinataas ng aking kilay. Aba at bastos na guard ito ah.
"Ay grabe sya oh, hindi ako nanay. Wala pa akong anak Manong guard." nakahalukipkip na wika ko dito.
"Hindi ba? Mukha ka kasing nanay eh." sabi pa nito na ikinaikot ng mata ko.
"Excuse Me Manong, napaka harsh mo sa akin. Magtatanong lang naman ako ang dami mo ng sinabi " sabay dampot ko sa aking mga dala at akmang aalis na ng muli ko itong tingnan." Nanay mo mukha mo " pahabol ko pang sabi dito sabay irap at tuluyan ng naglakad para magtanong sa iba. Ang feeling naman ni Mr. Clean. Jusko kung hindi ko pa alam model sya ng baretang sabon. Bubulong bulong ko pa habang naglalakad. Napangiti ako ng may makita muling guard. Mas malaki ang bahay na binabantayan nito. Nilapitan ko ito upang magtanong.
"Excuse Me Manong, pwede po bang magtanong?" sabi ko dito.
"Sige, ano po ba yun Na- "This is from NôvelDrama.Org.
" Heeppp, tigil! Uunahan na kita, hindi pa ako nanay. At magtatanong lang ako kung saan ang bahay ni Mr. Rochefort. " agad kong pinutol ang sasabihin pa sana nito. Napakamot ito sa kanyang ulo. "Dito po ang bahay na hinahanap nyo. Sino po ba sila?" tanong nito sa akin na pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Andyan ba sya? Pakisabi andito si Ruth" sabi ko habang inililibot ko ang tingin sa palagid. Agad itong pumasok sa maliit na guard house at may tinawagan. Maya maya lamang ay lumabas narin ito. "Pwede na po kayong pumasok. Nasa loob po si Mr. Shai." wika nito sa akin at pinagbuksan na ako ng gate.
Napatulala ako sa aking nakita. Napakalaki ng buong bahay at ang lawak ng harapan. Mayroon itong apat na palapag, napakaraming nakaparadang mga magagandang sasakyan. Grabe, parang nakakapagod kung iikutin ko ito araw araw. Nagpatuloy ako sa paglalakad hnggang makarating sa malaking pinto na nakasarado. Kakatok pa lamang ako ng bigla na lamang itong nagbukas.
"Iha, ikaw na ba si Ruth?" mabait na tanong sa akin ng may edad ng babae. Hindi nagkakalayo ang aming suot. At may suot din itong salamin sa mata.
"Magandang Araw po, ako nga po si Ruth. Hinahanap ko po si Shai" magalang kong sabi dito habang nililibot ko ng tingin ang buong bahay. Napakaganda ng pagkakagawa. At mamahalin lahat ang mga display. Napakayaman naman pala ng aking asawa. Bulong ng aking isip at bahagyang napangiti.
"Sandali lang iha at tatawagin ko muna si Shai, maupo ka muna" pagpapaalam nito sa akin. Agad akong umupo sa napakalambot na sofa.
"Ngunit muli akong tumayo at nagtingin tingin ng mga display na naroon ng isang tikhim ang nagpagulat sa akin. Mabilis akong napalingon dito.
"Anak ng kabayo " gulat kong wika dito at napatingala sa tangkad nito. Ang gwapo naman. ito na ba ang aking asawa. Tanong ko sa aking isipan.
"What did you say? Sinong anak ng kabayo ?" nakakunot noong tanong nito sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. " Ruth? What happened to you?"
"Hah? Anong what happened to me?" Pilit nitong sinisipat ang aking mukha.
"Ganyan ka ba talaga manamit?
"Anong masama sa damit ko? Ganito na ako dati pa. " sabi ko pa dito na nagtataka. Nagulat ba sya at hindi akalain na ganito ang asawa nya. Alam naman nya na hindi sya maganda, at probinsya lamang sya. Pero wala na syang ibang choice kundi ang tumira kay Shai. Alam nya na may mahal itong iba, at lalong alam nya na balak itong pakasalan ni Shai kapag naghiwalay na sila.
"Ruth, are you ok? Hey !" Napukaw ako sa malalim na pagiisip ng malakas ako nitong tawagin.
"Ha? Ah, oo. Ok lang ako. Ano ulit ang sabi mo ?" Tanong ko dito.
"Follow me, kailangan nating mag usap " sabi nito at agad na naglakad paakyat sa hagdan. Tahimik ko lang itong sinundan. Pumasok kami sa isang silid na sa tingin ko ay ang kanyang opisina.