Her Name Is Monique

CHAPTER 18: Smooth Conversation



(Patty)

Patuloy lang sa pagkabog ang dibdib ko kahit wala pa namang sinasabi si Prince. Naririto pa rin kami sa music room pero hanggang ngayon tahimik lang ang binata maging ako. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nasa likod pa rin ako ng pinto habang siya ay naroroon na sa mini stage nakaupo hawak ang gitara na pinaghalong kulay pink at gray na una kong hinawakan noong una kong pasok dito sa muaic room. Kanina akala ko kung ano ang gagawin niyo sa akin.

Bakit Patty, may inaasahan ka bang gagawin si Prince sa'yo? Malisyosang sagot ng isip ko. Namula ako sa isipin na iyon.

Kanina kasi halos matunaw ako sa pagtitig ni Prince habang naririto kami sa pinto at kinorner niya ako ngunit umalis lamang siya ng walang sinasabi.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang marahan na ini-strum nito ang gitara. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil malakas pa rin ang kabog niyon.

Bakit kaya niya ako dinala dito? Akala ko nga agad agad kakausapin na niya ako about sa nangyare noon sa amin dito sa music room pero hanggang ngayon tahimik siya. Mas lalo yata akong kinakabahan kapag ganyang tahimik siya. Nilakasan ko ang loob ko na lapitan siya kahit na pakiramdam ko nangangatog ang mga tuhod ko at anytime bibigay ito.

"Ahm... P-prince?"

I don't know kung ako lang ba ito pero nagslow motion ang pag-angat niya ng mukha at tumingin sa akin.

Shit! Why so gwapo Prince?

Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin.

"A-ano k-kasi." sabi ko habang napapakamot sa batok. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko sa kanya. Ano nga ba ang sasabihin ko? Pambihira. Magpaalam na kaya ako na lalabas dito?

Nakatingin lang siya sa'kin at naghihintay ng sasabihin ko sa kanya.

"Kanino yang gitara?"

Ay tanga naman Patty. Bakit iyon pa ang naitanong ko? Lumalabas tuloy na parang gusto kong magsimula ng conversation namin. Ang sarap hampasin ng noo ko kung hindi lang nakatingin ngayon sa'kin si Prince. Nakita kong ngumiti ito at binalingan ang gitara na nakapatong sa lap nito.

"It's mine." anito na hinaplos ang munting letra doon na letter 'PG'.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa kanya pala iyon kaya pala may letter P pero ano kaya yung G?

"Come here." aya nito na umupo ako sa tabi niya.

Nag-aalangan man sumunod pa rin ako. Hindi ako umupo sa mismong tabi niya naglagay ako ng space sa aming dalawa dahil baka mamaya magwala ng todo ang puso ko. Ngayon nga lang na kasama ko siya sa room na ito ng kami lang dalawa hindi na ako mapakali iyon pa kayang sobrang lapit namin sa isa't isa?

Gusto ko man itanong ang letter G dahil naku-curious ako ng bongga nahihiya naman ako. Baka isipin niya isa akong marites dahil ang dami kong tanong.

"You know what, I have a secret. Kahit sila Renz at ang iba pa hindi nila alam ang tungkol dito pero gusto kong sabihin sa'yo. It's weird right!" anito na tumawa ng bahagya habang nasa gitara pa rin ang tingin.

Sa totoo lang nagulat ko dahil nagsasabi siya ng ganito sa'kin pero masaya rin kasi nagkakaroon na kami ng ganitong pag-uusap. Unti-unti narerelax ang katawan at puso ko.

Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Hindi ko mapigilan kiligin at ramdam ko namumula na ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kinakaya ang mga tinginan niya.

"I have an amnesia."

Napalingon akong muli sa kanya dahil doon. Like whut? Seryoso ito?

"A-amnesia? Ikaw? Kailan pa?" sunod sunod na tanong ko kasabay ng mabilis na paglapit sa binata. Hindi ko talaga mapigilan ma-intriga. Nakakagulat naman talaga ang sinabi nito. Tinawanan lamang ako nito. "Bata pa ako noon. Ang sabi sa akin ng mom and dad ko I was 7 years old that time ng maaksidente ako at iyon ang hindi ko maalala until now."

"As in kahit konte wala kang maalala about sa accident?"

"May paunti-unti akong alaala na sumusulpot sa isip pero malabo. Halos sumakit na ang ulo ko dahil pinipilit kong maalala ang bagay na iyon dahil pakiramdam ko mahalaga at dapat kong alalahanin pero sumuko na rin ako. Ilang beses akong dinala sa hospital kasi pinipilit ko. Hanggang ngayon wala pa rin pagbabago." malungkot na turan nito.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Naawa naman ako kay Prince. Kung titingnan kasi siya parang wala siyang dinadalang problema. Hindi ko mapigilan na hawakan siya sa likod at hagurin iyon ng bahagya. Nginitian naman niya ako kahit na nakikita kong malungkot iyon. Maging ako kasi nararamdaman ko ang bigat ng dinadala niya. Ramdam kong gustong gusto niyang maalala ang aksidente na nangyare sa kanya. Baka nga naman may importante siyang alaala na nawala. Bigla parang nakakarelate ako sa kanya. Ang pinagkaiba lang namin ay siya alam niyang may alaala siyang nawala ako wala as in walang clue kung akin bang alaala ang lagi kong napapanaginipan.

"Pareho pala tayo."

"Huh?" I saw confusion in his eyes.

"I have this dream. Mula noong bata ako may napapanaginipan na ako about sa pangyayare na hindi ko alam kung sa'kin ba nangyare iyon or sa iba."

Umayos siya ng upo at tumingin sa'kin. Nailang naman ako sa paraan ng pagkakatingin ng binata.

"Ang pinagkaiba lang natin ikaw alam mong may nawawala kang alaala because of the accident samantalang ako walang clue kung akin bang alaala ang paulit-ulit ns napapanaginipan ko."

"Did you asked your parents about that? Baka may alam sila sa nangyare sa'yo."

Umiling lang ako at inayos ang laylayan ng nagusot na dress.

"I am an orphan." mahinang turan ko.

Wala akong narinig na kahit ano sa kanya kaya naman nilingon ko ito. Nakatitig lang ito sa'kin, walang kahit anong emosyos kung hindi ang lungkot lamang.

Tumawa naman ako ng bahagya para maging okay ang atmosphere namin. Masyado na kaming malungkot para mas maging malungkot pa.

"Sa'yo ko lang sinabi ito dahil pakiramdam ko mapagkakatiwalaan ka and we're friends, right?"

Tumango naman ito at pi-nat ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako bigla kasi lahat talaga sila sa Zairin's department ganito sa'kin, ang hilig guluhin ang buhok ko.

Tinawanan lang niya ako at inulit ang ginawa. Bigla nahawa ako at nakita tawa na rin sa kanya. Pasaway din pala itong si Prince at makulit. I didn't know na may ganito siyang side. Unti-unti sumabay na akong tumatawa sa kanya. Ewan ko pero sobrang gaan niyang kasama.

Napabaling ang tingin ko sa gitara niya. Nakalimutan kong itanong sa kanya kung ano yung letter G sa gitara niya.

"Prince, ano pala yung letter PG d'yan sa gitara mo."

"Nakita mo pala ito. This is my initial. P stands for Prince and the letter G is for Ge---"

Naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya.

"Wait lang Patty ha. Sagutin ko lang ito." tinanguhan ko lang siya.

Ge? Gelo kaya 'yun?

Ipinilig ko ang aking ulo, imposible 'yun! Pero umaasa ako. Tiningnan ko na lang siya habang nakikipag-usap sa phone.

"Bakit?" tanong nito sa kabilang linya. "Oo nga pala. Sige, papunta na kami d'yan. Bye!"

"Let's go Patty need na natin bumalik sa auditorium, kailangan nga pala namin magperform. Nakalimutan kong after ng audition kakanta ang buong banda para i-welcome muli ang pagbabalik namin. At syempre para i-welcome ang bagong magiging miyembro." anito na tumalon mula sa pagkaka-upo sa mini stage at nilahad ang kamay para alalayan akong bumaba.

At first nagdalawang isip ako pero sa huli tinanggap ko rin iyon dahil nakakahiya naman.

"Sige. Salamat." sagot ko naman.

Muli niya akong nginitian at sabay na kaming lumabas ng music room. Hindi na ako masanay sanay pero kinikilig pa rin ako tuwing titingin ang binata sa'kin. Kahit nga noong ang seryoso pa niyang tumingin sa'kin iba na ang epekto sa'kin ngayon pa kayang nginingitian na ako nito.

Siya nga kaya si Gelo? Ang Gelo na nakasama ko sa orphanage. Ang gelo na laging nagliligtas sa'kin noon. Ngayong nakikita ko si Prince sa malapitan gusto kong isipin na siya nga ang Gelo na kilala ko noon. Hindi ko maiwasan na ngumiti habang nakatingin sa likuran niya at nakasunod sa paglalakad nito.

Smooth conversation with him, hindi na masama. Napangiti ako saka sumabay na sa paglalakad ng binata.This content belongs to Nô/velDra/ma.Org .


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.