As Long As My Heart Beats

Chapter 5



Chapter 5

“TONIGHT, I JUST want to be… Brett again. Not the ogre, not the Shrek, just the same Brett from

fourteen years ago.” Nahinto sa pagbubukas ng pinto ng kotse niya si Katerina nang marinig ang

pagsulpot ng boses na iyon na para bang nagmumula sa kanyang likuran.

Nanatili pa siya roon pagkaalis ni Brett dahil pinakiusapan siya ni Margie na isabay niya ito sa pag-uwi.

Madaraanan niya rin naman ang bahay nito papunta sa apartment niya kaya pumayag na rin siya. Pero

nagkaaberya sa tiyan nito kaya napilitan itong buksan uli ang restaurant para magbanyo. Mabuti na

lang at bukod sa guard ay kay Margie rin ipinauubaya ang susi ng Buddies’.

“Ang dami kong mga bagay na nalimutan na sa gabing ito, gusto kong matandaan.” Sa kauna-unahang

pagkakataon sa araw na iyon mula nang tanggihan ni Brett ang cake na dala ni Katerina ay sumilay

ang matamis na ngiti sa mga labi niya. She was glad he listened. She was glad… he came back.

“May dalawang oras pa. If it’s not too much to ask, will you stay with me?”

Humarap siya kay Brett. Matagal niyang tinitigan ang gwapong mukha nito. For the first time, she was

able to see right through his eyes. Malungkot ang mga mata nito habang deretsong nakatitig sa kanya.

Right at that very moment, his eyes betrayed his nasty treatments.

Tatango na sana siya nang maalala si Margie. “Pero nangako kasi ako kay-“

“Okay lang sa ’kin, Kate.” Ani Margie na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila. “Tinopak

ang boyfriend ko, na-realize niya na yata kung sino siya sa buhay ko. ‘Ayun, nagpanggap na

nagmamalasakit. Susunduin niya raw ako.” Nakangisi itong nag thumbs-up sa kanya pero agad rin

itong pumormal nang humarap kay Brett. “Mag-ingat po kayo, sir.”

Tumango lang ang lalaki pagkatapos ay inakbayan na siya patungo sa sasakyan nito matapos niyang

i-lock ang kotse niya. Muli siyang napangiti. So Brett was gentleman after all.

“Saan tayo?”

Napasulyap si Katerina sa kanyang wristwatch. “Ten-thirty na, wala nang mapupuntahan sa ganitong

oras.” Ilang saglit siyang nag-isip bago pumitik sa ere. Nangingislap ang mga matang nilingon niya ang

lalaki. “Kung gusto mo, sa favorite place ko na lang?”

“Saan?”

“Sa orphanage.” Kinindatan niya ito. “Magpa-ampon na muna tayo sa kanila.”

INILATAG NI KATERINA ang kumot na hiniram niya sa mga madre sa damuhan pagkatapos ay naupo

siya sa ilalim ng puno ng narra. Pinagpag niya ang space sa tabi niya at sinenyasang maupo ang

nakakunot-noong si Brett.

Dis-oras na ng gabi kaya ang mga madre na lang ang naabutan nilang gising dahil nagno-nobena pa

ang mga ito. Ang mga ito ang nagbukas sa kanila ng gate. Nakasanayan na ng mga ito ang biglaan

niyang pagsulpot sa orphanage kapag nasa bansa siya, lalo na kapag inaatake siya ng lungkot sa

kanyang apartment.

“You call this your favorite place?”

Napangisi si Katerina. “Yup.” Ibinukas niya ang mga braso. “Presko ang hangin sa dami ng mga puno

rito, nakaka-relax.” tumingin siya sa kalangitan. “At masarap rin mag-stargazing.”

“Pero common na lang ang ganitong tanawin.”

Nahiga siya sa kumot habang nanatiling nakatitig sa langit. She remembered doing the same thing

years ago while asking herself what life would have been if she was someone else. Would she still take

some time to gaze at the stars and appreciate their beauty?

“Sa dami ng lugar na napuntahan ko, tama ka. Common na nga lang ang ganitong scenery.”

Napatangu-tangong sinabi niya. “But this place will always be the loveliest for me because this is my

home.”

Nang maramdaman niyang naupo na si Brett sa tabi niya ay humarap siya rito. Sa liwanag na

nagmumula sa buwan pati na sa mga ilaw na ikinalat sa buong orphanage ay kitang-kita niya ang

pagsasalubong ng mga kilay nito.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Nagkibit-balikat siya. “This isn’t about me.” Bumangon siya at kinuha ang kahon ng cake na

tinanggihan nito. Binuksan niya iyon at gamit ang hintuturo ay tinikman iyon. Muli siyang napangisi

nang makita ang pagkagulat nito. “What? You hate cakes, right?”

Sa pagkasopresa niya, kumuha rin ito mula roon gamit rin ang sariling daliri at tinikman iyon. Ngumiti

ito. “This tastes good, Kate. Thank you.”

Natigilan siya. It was not the way he called her by her nickname though she must admit when it came

from him, that sounded sweet. It was the simple way he smiled, that good-natured smile she has

missed for a long time. Pakiramdam niya, saglit na huminto sa pagtibok ang kanyang puso. There was

light in his dark eyes when he smiled and she was mesmerized.

Nakakahawa ang ngiti ni Brett at kay sarap pagmasdan kaya naman laking panghihinayang niya nang

bigla na lang iyong mabura. Napalitan iyon ng makulimlim na namang anyo nito. “I used to love cakes,

you know, because my Mom used to bake.”

“Ano’ng nangyari?”

“She left.” Nagtagis ang mga bagang nito. “And boom. Shrek was born.”

“WHEN I SAVED your life on the bridge that night, she ruined mine.” Marahas na napabuga ng hangin

si Brett para pigilan ang pagbangon ng poot sa dibdib. Nilingon niya si Katerina nang manatili itong

tahimik.

Ngayon niya na lang binuksan ang bahaging iyon ng buhay niya sa iba. Ang una’t huli ay sa kaibigan

niyang si Luis, na lasing pa siya nang umamin kaya hindi niya na maalala ang naging reaction nito.

Pero ang nakikita niya sa mga mata ni Katerina nang mga sandaling iyon… sa palagay niya ay palagi

niya nang maaalala.

Walang bahid ng panghuhusga ang mga mata nito para sa kanya man o sa kanyang ina. Sa halip ay

puno ng pang-unawa ang mga iyon at… pagtanggap. Hinawakan nito ang palad niya, damang-dama

niya ang init na nagmumula roon. Nang ngumiti si Katerina, pakiramdam niya, unti-unting nalusaw ang

yelo sa puso niya. Her smile was warm and encouraging… making him little by little, unfold his story.

“It all started when you first saw me during my nineteenth birthday.” Binuksan niya rito ang kanyang

nakaraan. Wala siyang itinira o iniwang isa mang detalye. “Since then, I never celebrated it anymore.”

Pagtatapos niya sa kwento.

Kumunot ang noo ni Brett nang ilang sandali na ang lumipas ay wala pa rin siyang narinig na komento

ni Katerina. “Bakit natahimik ka?”

“Wala akong masabi. Wala naman kasi akong… birthday.” Kimi itong ngumiti. “Natagpuan lang ako ni

Inay sa tapat ng kanlungan ng mga madre noong dalawang taon daw siguro ako. Ipinagpilitan niyang

ituring ko ang araw na ‘yon bilang birthday ko pero ayoko.” Nagkibit-balikat ito. “I celebrate all the

important occasions but I never really celebrate my birthday. Ayokong dayain ang sarili ko. Malulungkot

lang ako.”

Natahimik si Brett. Bigla, nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. He was too caught up by his own pain

that he has forgotten the reason why Katerina almost jump off the bridge fourteen years ago.

“Noong gabing nagkita tayo, kamamatay lang ni Inay, all the more reason why I didn’t want to

celebrate. Wala na kasi siya para mamilit sa ’kin na maghanda ako. That night, I was running from her

husband. He was high on drugs and he was…” Her voice trailed off. Tumingala ito sa kalangitan. “He

was trying to rape me.” Tumulo ang mga luha nito pero maagap nitong pinunasan ang mga iyon. “Good

thing I met you. ‘Yong perang ibinigay mo sa ‘kin, ipinamasahe ko papunta rito. Nagpaampon ako rito.

And that was how I survived the past years.”

Brett wanted to say something but damn it, he was lost for words. Ang alam niya lang ay ngayon niya

ipinagpapasalamat na nagkita sila ni Katerina noong gabing iyon. He was glad he was there. Pero

kasabay niyon ay gusto niyang hatakin pabalik sa nakaraan ang dalaga at suntukin ang amain nito.

Nagtagis ang mga bagang niya. Damn that bastard for making her-

Natigilan siya nang biglang matawa si Katerina. “Will you stop that murderous look in your eyes?

Anton’s dead, hindi ko alam kung bakit. Nalaman ko na lang na patay na siya nang bisitahin ko ang

puntod ni Inay. Magkatabi sila ng puntod. He died eight months after I left.”

“Good for him.” Published by Nôv'elD/rama.Org.

Sumeryoso ang mukha ni Katerina. “So, you see… hindi lahat ng nakangiti, masaya. Minsan, defense

mechanism na lang namin ‘yon para hindi malaman ng iba na deep inside, nalulungkot kami.”

He sighed. He realized he had been an insensitive jerk. Pero may magagawa pa siya para sa kanila.

Napasulyap siya sa relo niya. Halos limang minuto pa bago tuluyang mag-alas dose ng gabi. Mahigpit

na hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagtatakang tinitigan siya nito.

Masuyo siyang ngumiti. “As the clock ticks at twelve, let’s move on together.”

Napasinghap ito. “Brett-“

“Sshh. I’m sorry.” Idinikit niya ang noo sa noo ni Katerina. Muli, naramdaman niya ang pagpayapa ng

kanyang puso. “I’m sorry I’ve been a jerk. Magsimula tayo ulit. Ako si Brett Santillan, thirty-four years

old and a restaurant owner. It’s nice to meet you. ”

Naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha nito sa kanyang kamay. “Ako naman si Katerina Alvarez,

twenty-six. Isang modelo. It’s nice to meet you, too, Brett.”

Napasulyap siya sa relo niya. Alas-dose na. “Welcome to my life, Katerina.”

“Thank you, Brett.” Napasigok ito. “And happy birthday.”

MALUNGKOT na napangiti si Katerina habang pinagmamasdan ang matayog na shopping mall sa

kanyang harapan. It was the same place where her Nanay Cecilia found her. Ang pagkakaiba nga lang

ay hindi na iyon kanlungan ng mga madre ngayon.

Napahaplos siya sa suot na kwintas na natatakpan ng suot niyang cardigan. Sa isang iglap ay

nanumbalik ang sakit sa kanyang dibdib. Alam niyang sumang-ayon siya sa sinabi ni Brett na

mamuhay na lang sila sa kasalukuyan at kalimutan na ang lahat ng sakit na dulot ng nakaraan pero

hindi niya pa rin mapigilan ang sariling bumalik-balik sa lugar na iyon. Because in the deepest part of

her heart, she was hoping that somehow, somewhere inside the mall, someone was looking for her.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Come on, Kate. Hindi lang naman ikaw ang batang iniwan ng

mga magulang sa kung saan. Makuntento ka na lang sa kung anong meron ka ngayon. Mapait na

naisaloob niya. And move on.

Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang paghikbi. Iyon na ang huling beses na babalik siya sa

lugar na iyon. Pagkatapos ay hindi na siya muli pang lilingon.

Just this once. Aniya sa sarili bago dahan-dahang pumasok sa loob ng mall. Inikot niya ang buong

lugar. Tumingin-tingin siya sa mga displays roon kahit ordinaryo na lang para sa kanya ang nakikita.

Nang walang mahanap na mabibili, pumasok na lang siya sa book store. Bumili siya ng ilang mga libro

para sa mga bata sa orphanage. Nakapagbayad at palabas na sana siya nang gulatin siya ng isang

babaeng humawak sa kamay niya.

Nanlalaki ang mga mata nito sabay sulyap sa magazine na dala. Nanlaki rin ang mga mata niya nang

makitang siya ang nasa front cover niyon, isa iyong fashion magazine. “Miss, ikaw si Kate, ‘di ba? Kate

Alvarez? Iyong supermodel?”

Palihim na sinisi niya ang sarili. How stupid of her to ever think that no one will notice her. Palibhasa,

nasanay na siya sa Buddies’ na kung trautuhin siya ay parang ordinaryong tao lang na kaibigan ng

lahat. Maski ang mga customer ay parang simpleng bagay lang para sa mga itong naroroon siya at

tumutugtog. Palibhasa ay halos puro celebrities’ rin ang mga kumakain doon. Pero sa simula ay

dinumog siya ng mga ito at nagpakuha ng mga litrato. Ngayon ay kabatian niya na lang ang mga ito.

Kahit alam niyang huli na ay isinuot niya pa rin ang kanyang dark glasses. “N-no. Hindi ako ‘yon.”

“Hindi. Ikaw talaga ‘yong supermodel, eh!” Malakas na sinabi ng babae na sapat para makaagaw na

sila ng atensiyon ng iba. Iniharap nito sa ilang mamimili roon ang magazine. “Siyang-siya ho ang

babae sa cover, ‘di ba?”

Napasinghap siya at bumitaw sa babae pagkatapos ay dahan-dahang umatras para lang magulat uli

nang may brasong umakbay sa kanya. “Eirene, sweetheart, nandito ka lang pala. Kanina ka pa

hinahanap ng mga anak natin sa kotse.”

Napalingon siya sa bagong dating na lalaki. Sa nalilitong takbo ng isip ay nagawa niya pang mabilis na

pag-aralan ang anyo nito. Moreno ito at matangkad katulad ni Brett. Sa taas niyang 5’9 ay hanggang

leeg lang siya nito. Naka-dark glasses rin ito kaya ang matangos na ilong lang nito ang nakikita niya

pati na ang pinkish at maninipis na mga labi nitong parang pagmamay-ari ng isang babae.

Naka-asul na long sleeve ito na hapit sa katawan kaya kapuna-puna ang malalapad nitong mga

balikat. Kung tutuosin ay simple lang ang suot nito dahil tinernuhan lang iyon ng kupas na maong na

pantalon. Leather shoes ang ipinaris nito roon. Sa kabuuan ay halatang may sinasabi sa buhay ang

lalaki sa simple pero eleganteng paraan nito ng pagdadala sa sarili.

Pasimpleng bumulong ito sa kanya. “Were you really the woman in the magazine?”

Alanganing tumango siya. Napasipol ito. “Akalain mo nga naman. I was looking for someone but I

found a supermodel instead. Hmm… not bad.” Ngumiti ito kaya lumitaw ang dimples sa magkabilang

pisngi. Mayamaya lang ay nanumbalik ang kaba niya nang dahan-dahan nang magsilapit ang mga tao

sa kanya bitbit ang camera ng mga ito.

Pero kalmadong idiniin lang ng estranghero ang kamay nito sa kanyang balikat. “Maki-ride on ka na

lang kung ayaw mong dumugin ka nang wala sa oras.” Sinabi nito saka hinarap ang mga tao. “Ang

ganda ho ng asawa ko ‘no? Madalas nga talaga siyang napagkakamalang si Kate Alvarez. At bilang

asawa niya, siyempre, nakatataba talaga ‘yon ng puso kaya maraming salamat po.” Yumukod pa ito.

“But she’s really Eirene Morrison. At may tatlong anak na po kami. Sige po, mauna na kami.” Nilingon

siya nito. “Tara na, sweetheart. Gutom na ang mga anak natin.”

Nang tumalikod ito, maagap na napasunod siya. Pero mukhang hindi pa rin kumbinsido ang ilan sa

mga tao kaya may humabol pa rin sa kanila kaya bumilis ang paglakad nila. Pero sa suot niyang high

heels at sa laki ng mga paghakbang ng lalaki, nahirapan siyang sabayan ito.

Pumalatak ito pagkatapos ay huminto. “Why do women love to wear such creepy things? This is a

shopping mall, for heaven’s sake!” Bago pa siya makahuma, parang isang sako lang ng bigas na

isinampa siya nito sa balikat nito. “At least, you’re wearing jeans.” amused nang dagdag nito bago

nagpatuloy sa mabibilis na paghakbang. “Sa susunod, mamili ka ng magiging catwalk mo, Miss

Supermodel.”

“MARAMING SALAMAT.” Nahihiyang sinabi ni Katerina sa estrangherong tumulong sa kanya nang

ganap na silang makalayo sa pinanggalingang shopping mall. Dahil coding ang nirerentahan niyang

kotse at inihatid lang siya roon ng manager niyang si Elaine na kababalik lang sa bansa para sa death

anniversary ng mga magulang nito ay wala na siyang nagawa kundi makisakay sa kotse ng lalaki.

Hindi niya na nagawang i-text si Elaine sa pagkataranta niya. Pinangakuan pa man din siya nitong

susunduin. Dahil wala na rin naman daw ibang pupuntahan pa ang estrangherong tumulong sa kanya

ay idineretso na siya nito sa mismong pinapasukan niya, ang Buddies’. Wala naman sa anyo nito ang

gagawa nang masama kaya nagpahatid na rin siya.

Nagkibit-balikat ito. “Nakita ko kasing hindi ka na komportable sa sitwasyon mo kanina kaya naki-

eksena na ako.” Hinubad nito ang dark glasses na suot, revealing his golden brown eyes. Amused na

ngumiti ito. “Sa susunod kasi, mag-ingat ka na. Iba na ang mga Pinay ngayon. They’re now addicted to

fashion. Kaya imposibleng walang makakilala sa ’yo.”

Tumango na lang si Katerina at pilit na inalis sa isip kung paano siya inakbayan ng lalaki at basta na

lang kinarga sa shopping mall. Ang mahalaga, nakatakas siya sa ganoong sitwasyon. Inalis niya na rin

ang kanyang salamin at ginantihan ang ngiti nito. “Again, thank you very much.”

Ilang saglit naman itong tila natigilan. “Your eyes remind me of someone very close to my heart. And

your hair’s just like his. Pwede ka bang makuhanan ng picture?” Bigla na lang ay sinabi nito. “Souvenir

lang na once upon a time, I was able to help a supermodel in distress.”

Dahil sa utang na loob niya sa lalaki, hindi na siya tumanggi pa. Ngumiti siya nang kuhanan nito ng

litrato gamit ang cellphone. Mayamaya, inilahad nito ang palad sa kanya. “Ako nga pala si Andrei

Benett.”

“Katerina Alvarez.” Aniya pagkatanggap sa palad nito na kaagad niya ring binitiwan nang

magkagulatan sila pareho sa biglang pag-ring ng kanyang cellphone. Pagsilip niya sa screen ay si

Brett ang nasa kabilang linya at tumatawag.

Nag-aalalang napalingon siya sa gawing bintana ng kotse ni Andrei. Nakatayo na sa labas ng

restaurant si Brett at nakatingin sa direksiyon nila. Kahit paano, nagpapasalamat siyang tinted ang mga

bintana ng sasakyan. Nakagat niya ang labi nang may maalala. Mabilis na napasulyap siya sa kanyang

relo. Halos dalawang oras na siyang late sa kanyang pagtugtog para sa gabing iyon. Siguradong galit

na si Brett.

Hindi niya na kasi namalayan ang oras habang nag-iikot siya sa mall kanina. Sa dami ng mga alaala

na nagsasabayan sa isip niya ay nakaligtaan niya na. Bukod doon, sinulit niya na ang pagkakataong

pumasyal tutal naman ay iyon na ang huling punta niya roon.

“Ah, sige, mauuna na ako.Tumutugtog kasi ako dyan sa Buddies’ habang nandito ako sa ‘Pinas. At…

galit na ang Boss ko dahil late na ako sa duty ko.” Ngumiti siya. “Maraming salamat uli. Kung may oras

ka, dumaan ka lang dito. Ililibre kita.”

Natawa si Andrei saka bumaba na sa kotse nito sa kabila ng pag-awat niya rito. Pinagbuksan pa rin

siya nito ng pinto at inalalayang makababa.

Kumaway siya at akmang tatalikod na sana nang tawagin siya nito. “And Kate?”

Nagtatakang humarap siya rito. “Yeah?”

“’Yong Eirene Morrison na itinawag ko sa ’yo kanina noong nasa book store tayo, hindi ‘yon isang

imbentong pangalan lang. Siya ‘yong nabanggit ko sa ’yong hinahanap ko.”

Kumunot ang noo niya. “And?”

“Wala naman. I just think I’m on the verge of finding her.” Nangislap ang mga mata ni Andrei. “I love

your necklace, by the way.” Natigilan siya. Saka niya lang napansing nakalitaw na pala ang kwintas

niya. “And I’m glad I saw you today, Kate.” Muli siyang nginitian nito.

Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkatataong makapagkomento dahil maagap na sumakay na si Andrei

sa kotse nito at pinaharurot iyon palayo.

Napailing siya saka naglakad patungo sa nakatayong si Brett sa entrance ng restaurant. Salubong ang

mga kilay nito. “Who the hell was that?”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.