Kabanata 6
Kabanata 6
“Hindi! Jeremy...”
Namumutla na ang mukha ni Madeline sa takot. Hindi siya makakilos sa ginagawa ni Jeremy.
Hindi niya pa nakikita ang malamig at bayolenteng bahagi ni Jeremy dati. Natatakot siyang mawala
ang anak nila sakaling masaktan siya nito nang todo.
Subalit, hindi siya hinayaang makatakas ni Jeremy. Kinulong siya nito sa kanyang mga bisig.
Hindi niya inakalang ganito ang galit ni Jeremy sa kanya. novelbin
Matapos ang napakahabang sandali, nakaramdam lang si Madeline ng sakit sa kanyang buong
katawan. Sunod doon, nakatulog siya nang malalim, at sa kanyang panaginip, nabalik siya sa sa araw
na nakilala niya si Jeremy, labindalawang taon ang nakararaan.
Maaliwalas ang sinag ng araw sa dalampasigan noon at mayroong isang puno ng alkampor.
Namumulot ng mga kabibe ang batang si Madeline. Tinignan niya ang isang tahimik na lalaking
nakaupo sa malayo. Ang lungkot ng mukha nito.
Dito niya unang nakilala si Jeremy. Labindalawang taon pa lamang ito subalit napakagwapo na nito,
matangkad at payat ang katawan.
Yun nga lang, napakalungkot ng itsura niya.
Maingat siyang nilapitan ng batang si Madeline habang walang saplot sa paa. Binigyan niya ito ng
isang kabibi matagal niyang nahanap at may iba-ibang kulay.
“Hello, para ito sa iyo. Sana maging masaya ka habambuhay.”
Sa pagkakataong iyon, tumingin si Jeremy gamit ang dulo ng kanyang mga mata. Puno ng pag-iingat
ang mga ito.
Nakasuot ito ng isang mamahaling tracksuit. Kahit ang kanyang sapatos ay limited edition rin.
Sa kabilang banda, nakasuot si Madeline ng isang damit na halos mamuti na sa kalalaba. Tila ba
nagmula silang dalawa sa magkaibang mundo.
Kalaunan, iniabot niya ang kanyang kamay kay Madeline.
Nagkasalubong na naman sila sa sumunod na araw. Binigyan siya ni Jeremy ng isang baso ng milk tea
at sinabing regalo ito bilang kapalit ng binigay niya kahapon.
Masaya itong tinanggap ni Madeline. Ito ang unang beses na makakatikim siya ng milk tea.
Napakasarap nito.
Ganoon pa man, tinitigan siya ni Jeremy na tila ba mas matamis pa ang ngiti niya kaysa sa milk tea.
Sa buong panahong iyon, lagi silang nagkikita sa dalampasigan. Sa tuwing makikita ang isa’t isa, lagi
silang naglalaro.
Isang araw, nahiwa ang paa ni Madeline nang ilang bubog. Si Jeremy ang bumuhat sa kanya papunta
sa isang clinic.
Sa pagkakataong iyon, nakasandal lamang siya sa likod nito, namumula ang kanyang mga pisngi mula
sa liwanag ng araw. Dagdag pa roon, napakabili ng tibok ng kanyang puso.
Lalo pa siyang namula nang yakapin niya ang leeg ni Jeremy. “Jeremy, g-gusto kong makasama ka
habambuhay. Gusto kong kalaro kita palagi.”
Sumagot si Jeremy nang walang alangan, “Sige. Kapag lumaki na ako, ikaw ang magiging bride ko. Sa
ganyang paraan, lagi nating makakasama ang isa’t isa.”
Subalit, matapos ang munting pangakong iyon, ilang taon silang hindi nagkita.
Hindi niya akalaing hindi na niya nakita mula si Jeremy matapos magpaalam sa araw na iyon.
Nang makita niya ito muli, tinitingala na siya ng lahat. Bukod pa roon, mayroon na siyang babaeng
minamahal, si Meredith.
Matapos magising, binuksan ni Madeline ang kanyang mga mata. Nakita niya ang isang kakaibang
paligid. Dagdag pa roon, nadama niya ang sakit ng buong katawan. Sa tuwing kikilos siya, may
nararamdaman siyang sakit.
“Oh, akala ko patay ka na. Naisipan mo na ring buksan ang mga mata mo, huh?”
Isang boses ng babae ang narinig niya, at talagang sarkastiko ito. Itinaas ni Madeline ang kanyang ulo
at nakita niya ang magandang mukha ni Meredith. Puno ito ng galit at inggit.
Inggit?
Hindi naunawaan ni Madeline kung bakit ito naiinggit sa kanya.
“Madeline, napaka-espesyal mo talaga sa lahat ng babaeng nakilala ko. Gumagamit ka pa ng ganitong
paraan para lang ma-ospital.”
Ma-ospital?
Tumingin si Madeline sa kanyang paligid at nakita niya ngang nasa ospital siya.
Naalala niya ang nangyari at bago siya nakatulog, bigla niyang naalala kung bakit ganito si Meredith.
Naramdaman niyang para itong biro, subalit, napangiti pa rin siya.
“Hayop ka!” Nang makita ang ngiti ni Madeline, nagsimulang pumutok ang ugat ni Meredith. “Madeline,
wala kang hiya!”